HomeLiteraryMga Diosa ng Lansangan, Panoorin Niyo!

LITERARY

Ni Joveline M. Mainit

Iniwan ka sa lumang lansangan
Iniligtas ka ng mapagbirong kapalaran
Ika’y nabuhay sa mabahong mundo
Hinahabol ka ng tigreng kawalan
Para ibaon ka sa limot

Iyak mo’y walang katapusan
Damdamin mo’y laging nalalatigo
Habang yakap mo maruming mundo

Hindi ba’t ikaw ay binhi?
Ng isang gabi ng sarap…sarap sa kanila!
At ikaw ang hapding lumabas sa mundo
Sumpa ng pagtitiis ang mga araw mo
Ang daan mo’y patungo sa kadiliman...
Mga diosa ng lansangan, panoorin nyo!