HomeLiteraryESTUDYANTE

LITERARY

ESTUDYANTE
Wendy Jane Limos

alas-singko na ng umaga

kahit ako’y antok pa

sa ayaw at gusto ko’y

kailangang bumangon na

 

magkape ma’y di ko magawa

dahil  oras ay habol-habol pa

habang  naliligo’y nagmememoryado pa

dahil may “quiz” pagpasok mamaya

 

pagdating sa klase’y

tsaka magugutom

kahit anong pilit ko’y

hindi na mapagdugtung-dugtong

ang pinag-aaralan at pinag-uusapan

Kasi nga, sikmura’y kumakalam at kailangan ng lamnan

 

sa araw-araw na nagdaraan

pauli-ulit lang ang nararanasan

kung minsan ay gusto kong panghinaan

ngunit naiisip ko ang aking kinabukasan

 

gusto kong magtagumpay

magtitiis sa hamon ng buhay

dahil ito ang daan tungo sa tagumpay

At ng makamtan ang minimithing saysay ng masalimoot na buhay.